NILALAYON ng Pilipinas na pormal na magsumite ng aplikasyon para makapasok sa Comprehensive and Progressive Agreement for Trans-Pacific Partnership (CPTPP) ngayong taon.
Bilang bahagi ito ng estratehiyang palawakin ang trade markets ng Pilipinas ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).
Bukod rito, ang mataas na pamantayan sa CPTPP ay makatutulong din sa pag-akit ng mas maraming dayuhang mamumuhunan.
Bukod sa CPTPP, nakikipag-negosasyon din ang gobyerno para sa iba pang free trade agreement (FTA) sa iba’t ibang bansa.
Ang CPTPP ay isang free trade agreement sa pagitan ng 12 bansa na layuning pahusayin ang kalakalan at pamumuhunan sa Asia-Pacific region.
Target dito ang pagbawas o pagtanggal ng mga taripa o buwis sa pag-angkat at pagluwas, pagpapasimple ng mga regulasyon, at pagtataguyod ng patas at bukas na kompetisyon.