Pilipinas, tuluyan nang ihihinto ang anumang komunikasyon sa ICC—PBBM

Pilipinas, tuluyan nang ihihinto ang anumang komunikasyon sa ICC—PBBM

INIHAYAG ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na ihihinto na ng Pilipinas ang anumang komunikasyon sa International Criminal Court (ICC).

Ito’y matapos ibasura ng ICC, sa pamamagitan ng Appeals Chamber nito ang apela ng Philippine government na suspindihin ang drug war probe ng dating administrasyong Duterte.

Sa isang media interview sa Pasay City, sinabi ni Pangulong Marcos na wala nang susunod na hakbang ang gobyerno ng Pilipinas para rito at wala nang rason upang makipag-ugnayan pa ang bansa sa ICC.

“We don’t have a next move that is the extend of our involvement with the ICC. That ends all our involvement with the ICC. Because hindi na tayo mag appeal, the appeal has failed and there is in our view, there is nothing more that we can do in the government and so at this point we essentially are disengaging from any contact, from any communication I guess with the ICC,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“And so that is again as I said we have ended up now at the end where we really started,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Muli ring iginiit ni Pangulong Marcos na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas.

Matatandaang noong March 2019, ay opisyal nang kumalas ang Pilipinas mula sa Rome Statute, na nagtatag sa ICC, sa ilalim ng liderato ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“We are back to the position, we ended up in the same position that we started with and that is we cannot cooperate with the ICC considering the very serious questions about their jurisdiction and about what we consider to be interference and practically attacks on the Sovereignty of the Republic. So that pretty much it we have no longer any recourse when it comes to the ICC,” ayon pa sa Pangulo.

PBBM, muling iginiit na tinutugunan na ng pamahalaan ang krisis sa tubig

Samantala, sinagot din ni Pangulong Marcos ang tanong ukol sa El Niño at nararanasang water crisis.

Una rito, nanawagan ang ilang senador sa gobyerno na magkaroon ng komprehensibong plano para tugunan ang krisis sa tubig lalo’t may nakaambang El Niño.

Ani Pangulong Marcos, nakapag-organisa na ang pamahalaan ng Office of Water Management para tugunan ang problema sa tubig.

Binigyang-diin naman ng Punong Ehekutibo na kahit walang El Niño ay may problema talaga ang bansa sa tubig.

“They may not have heard the fact that we have organized already the Office of Water Management precisely to address this problem of.. In fact just recently I spoke on this subject on what were the elements that we really have to get into place because we have a serious, never mind, kalimutan muna natin, isantabi muna natin ang El Niño. Kahit walang El Niño may problema talaga tayo sa tubig,” ayon kay Pangulong Marcos.

Nabanggit naman ng Pangulo na dapat din aniyang tingnan ng pamahalaan ang suplay ng malinis na inuming tubig maging ang irrigation water.

Sinabi ni Pangulong Marcos na mayroong isang pangkalahatang plano ang gobyerno kung saan binabago ang paraan ng pagkuha ng suplay ng tubig.

“Which is kumukuha tayo laging balon kinukuhanan natin, we always dig wells, wheras what really we should be doing is taking advantage of surface water,” saad ni Pangulong Marcos.

Binigyang-diin din ni Pangulong Marcos ang pagsasaayos pa ng mga imprastraktura para sa flood control at irigasyon upang mas magiging maganda ang hatid nito sa agrikultura.

Sa katunayan, ani Pangulong Marcos, natukoy na ng pamahalaan ang ilang uri ng varieties o hybrid varieties ng rice production na angkop sa panahon ng tagtuyot.

“So pinapalit-palitan natin ang variety to take advantage of the different qualities and the different varieties not only rice but also of the high value crops dahil pag dry season ang ibang lugar na hindi nagtatanim ng palay ay high value crops ang kanilang tinitignan,” pagtatapos ni Pangulong Marcos.

Follow SMNI NEWS in Twitter