Pilipinas umangat ng isang puwesto sa 2025 World Competitiveness Yearbook

Pilipinas umangat ng isang puwesto sa 2025 World Competitiveness Yearbook

TUMAAS ng isang puwesto ang ranggo ng Pilipinas sa World Competitiveness Yearbook ngayong taon.

Sa inilabas ng International Institute for Management Development, nasa ika-51 na ang Pilipinas mula sa 69 na kalahok na ekonomiya.

Kumpara ito sa ika-52 na puwesto ng Pilipinas noong taong 2024.

Gayunpaman, patuloy pa rin itong nahuhuli sa mga karatig-bansa sa Asia-Pacific region.

Sa 14 na kalahok na ekonomiya sa Asia-Pacific region, ika-13 ang Pilipinas.

Ang WCY ay nagraranggo ng mga ekonomiya gamit ang 262 indicators gaya ng economic performance, government efficiency, business efficiency, at imprastraktura.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble