INAMIN ng Department of Health (DOH) na limitado pa lang ang mga bakuna para sa Mpox.
Sa katunayan, wala pang suplay ng bakuna para dito ang Pilipinas.
Mas inuuna rin sa ngayon ang mga lugar na lubos na apektado nito gaya ng mga bansa sa Africa lalong-lalo na ang Democratic Republic of the Congo.
Ngunit naniniwala ang ahensiya na magkakaroon na rin ng access ang bansa sa bakuna dahil si DOH Sec. Ted Herbosa ang namuno sa ika-78th World Health Assembly na ginanap noong Mayo 19—27, 2025 sa Switzerland.