WALA sanang dapat problema sa tubig ayon kay Atty. Harry Roque ang Pilipinas.
Hindi sana dapat maging problema sa Pilipinas ang kakulangan ng tubig.
Ayon kay dating Palace Official Atty. Roque, ito’y dahil palaging dinadaanan ng bagyo ang bansa.
Ibig sabihin, maraming tubig ang potensiyal na maiipon kung may sapat lang na teknolohiya o imprastraktura para dito.
Sa kabila nito, isa sa mga suhestiyon ni Roque para masolusyonan ang kakulangan ng tubig ay magkaroon na ng malaking imbakan ng tubig-baha sa bawat lugar ng bansa.
Matatandaang inanunsiyo na ng National Water Resources Board na sa susunod na buwan ay bababaan na nila ang alokasyon ng tubig para sa Metro Manila mula sa Angat Dam.
Dahil dito, ikinatatakot na magkaroon na ng mas malawakang water service interruption lalo na’t papasok ang El Nino.
Tinatayang nasa 632-K na mga kabahayan ang maapektuhan sa posibleng water interruption.