HINDI sapat ang reserbang langis ng Pilipinas sakaling lumala pa ang giyera sa pagitan ng Israel at Iran ayon sa isang geopolitical analyst.
Sa panayam ng SMNI News kay Herman Tiu-Laurel, sinabi nito na hanggang tatlong buwan lang ang kaya ng reserba ng bansa.
Inihalintulad naman ni Ka Mentong ang magiging krisis sa langis sa COVID-19 vaccine noong panahon ng pandemya.
Aniya, ang maaasahan na lamang ng Pilipinas sa langis ay ang China at Russia.
Ngunit ani Tiu-Laurel, kalaban ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang China at Russia.