Pinakamalaking baril ng Army dumating na sa Maguindanao

Pinakamalaking baril ng Army dumating na sa Maguindanao

DUMATING na sa Camp Siongco Maguindanao ang 155-mm Autonomous Truck MOunted howitzer System (ATMOS) 2000 at tinaguriang ‘biggest gun” na magagamit ng mga kasundaluhan para sa pakikipagdigmaan.

Ayon kay MGen. Roy Galido ng Army’s 6th Infantry Division, ang 8 truck mounted self- propelled howitzers ay ilalagay sa mga units ng Joint Task Force Central (JTFC).

Aniya kaya nitong labanan ang mga teroristang grupong patuloy na lumalaban sa mga operasyon ng mga militar.

Malaki rin ang maitutulong ng ATMOS para sa pagwasak sa insurhensya at terorismo sa bansa.

 

Follow SMNI News on Twitter