Pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19 mula Agosto, naitala ng Chile

Pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19 mula Agosto, naitala ng Chile

NAITALA ng bansang Chile ang pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19 mula buwan ng Agosto.

Inanunsyo ng Ministry of Health ng Chile na nakapagtala ito ng 1,842 na kaso sa loob ng 24 na oras na mas mataas ng 57% kumpara sa average case noong nakaraang linggo.

Samantala, mas mataas naman ito ng 68% kumpara noong nakaraang dalawang linggo.

Mag-iisang buwan na ng sinimulan sa bansa ang pagpapaluwag ng restriksyon nito at itinigil na rin nito ang curfew na ipinapatupad sa buong bansa, ngunit simula nga noon ay nagsimula na rin ang pagtaas ng kaso ng mpeksyon.

Mula pa nang magsimula ang pandemya ay umabot na sa 1.67 milyon ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chile, habang nasa tatlumput pitong libo at animnaraang indibidwal na ang nasawi dahil sa sakit.

SMNI NEWS