Pinakaunang SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. magiging ‘full face-to-face’

Pinakaunang SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. magiging ‘full face-to-face’

GAGAWING ‘full face-to-face’ ang pinakaunang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong buwan.

Iyan ay ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza sa isang panayam ngayong umaga sa Kamara.

Ani Mendoza, asahan na present sa SONA ang nasa 315 kongresista, 24 na mga senador, miyembro ng diplomatic corps. at lahat ng mga bisita.

Dagdag ni Mendoza, kayang makapag-accommodate ng 1,200 katao sa loob ng plenary hall sa araw ng SONA.

Sa ngayon ay patuloy ang paghahanda ng Kamara sa SONA ngayong Hulyo 25 kasabay ng pagpatutupad sa lahat ng health protocols kontra COVID-19.

Follow SMNI NEWS in Twitter