Pinay para archer, kwalipikado sa Paris 2024 Paralympics Games

Pinay para archer, kwalipikado sa Paris 2024 Paralympics Games

KWALIPIKADO para sa gaganaping Paris 2024 Paralympic Games ang Pinay para archer na si Agustina Bantiloc.

Sa social media post ng Philippine Sports Commission, binati nito si Bantiloc matapos makapasok ang atleta sa pamamagitan ng Bipartite Commission Invitation at pag-abot sa minimum qualification ng Paralympic.

Matatandaan na isa rin si Bantiloc sa nakasungkit ng medalya sa isinagawang Compound Open Mixed Category ng Para Archer Olympic Qualifiers sa Thailand noong nakaraang taon.

Ang 2024 Paralympics ay sa Agosto 28 hanggang Setyembre 8.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble