NAIULAT nitong Enero 10, 2025 ng Commission on Filipinos Overseas (CFO) ang umano’y pagkasawi ng isang Pinay sa Slovenia.
Ang Pinay ay kinilalang si Marvil Facturan-Ko Chi Yani at pinaniniwalaang pinatay ng kaniyang asawang Slovenian habang nagbabakasyon sila sa bayan ng Bled noong Disyembre 29, 2024.
Sa ngayon ay hinihikayat ang Department of Foreign Affairs (DFA) at (CFO) na magkaisa para maibigay ang hustisya sa pamilya ng Pinay na nabiktima.
Hulyo 2024 pa lang nang maikasal ang Pinay sa kaniyang asawang Slovenian.