Pinoy fans, tinawag na “awesome crowd” ng Westlife

Pinoy fans, tinawag na “awesome crowd” ng Westlife

TINAWAG na “awesome crowd” ni Shane Filan ng Westlife ang Filipino fans ng banda matapos ang kanilang 2-day concert dito sa Pilipinas.

Aniya maging ang ibang members na sina Nicky Byrne, Mark Feehily at Kian Egan ay sinasabing ang mga Pinoy ang pinakamalakas mag-cheer at sumabay sa kanilang mga kanta sa buong tour nila so far.

Ang concert ay ginanap noong February 20-21, 2023 sa Araneta Coliseum.

Ito ang kauna-unahang pagbabalik ng Westlife simula noong pandemya.

Huling bisita nila noong July 29-30, 2019 sa Araneta Coliseum para pa rin sa 2-day concert.

Noong February 20, 2023 ay may hiwalay rin na concert ang Backstreet Boys sa Mall of Asia Arena.

Follow SMNI NEWS in Twitter