MAGKAKAROON na rin ng ‘Sobrang Downtown’ PH tour ang Pinoy rapper na si Hev Abi ngayong taon.
Sa ngayon ay hindi pa lang tiyak kung kailan magsisimula ang tour ngunit sinabi na niyang ‘coming soon’ na ito.
Bago pa man ang PH tour na ito ay mayroon nang ‘Sobrang Downtown’ Canada tour si Hev Abi na nag-umpisa noong Marso 28 sa Winnipeg at nagtapos noong Abril 12 sa Edmonton.
Noong Marso 6 ay naglabas naman ng single ang rapper na may pamagat na ‘Kagabi ng Kagabi’.
Follow SMNI News on Rumble