NAG-aalok ng libreng sakay ang LRT-2 at MRT-3 sa lahat ng Pinoy seafarers bukas, Martes, Hunyo 25, 2024.
Ayon ito sa Department of Transportation (DOTr) bilang pakikiisa sa pagdiriwang sa Day of the Filipino Seafarers sa nabanggit na araw.
Sa anunsiyo, alas siyete hanggang alas nuwebe ng umaga at alas singko ng hapon hanggang alas siyete ng gabi ang free rides sa LRT-2.
Magsisimula naman alas singko ng umaga hanggang sa pagtatapos ng operasyon ang libreng sakay sa MRT-3.