Pinoy seafarers na binihag ng grupong Houthi mula Yemen, patuloy na mino-monitor ng DFA, DMW

Pinoy seafarers na binihag ng grupong Houthi mula Yemen, patuloy na mino-monitor ng DFA, DMW

SA isang presscon conference, sinabi ni Migrant Workers Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac na ginagawa na nila ang lahat ng pamamaraan para matiyak ang buong suporta at karampatang tulong sa mga pamilya na binihag ng Houthi rebels mula Yemen noong Nobyembre 19.

Nakikipag-ugnayan na rin ang ahensiya sa mga manning agency para matiyak na maiuuwi ng ligtas ang mga marino mula sa pagkakabihag ng Houthi rebels.

Sa ngayon nakikipag-ugnayan na rin ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) sa iba pang ahensiya ng gobyerno para matulungan sila na mabigyan ng kaligtasan ang mga Pinoy na binihag sa Red Sea.

Aminado naman si Sen. Bong Go na kahit siya ay nababahala na rin sa pag-hostage ng grupong Houthi na ang layunin lamang ay maghanap buhay para sa kapakanan at pangangailangan ng kani-kanilang pamilya.

Matatandaan una nang kinumpirma ng DFA na aabot sa 25 crew members ang hinostage sa isang cargo ship na ang ilan sa kanila ay mula Bulgaria, Romania, Ukraine, at Mexico.

Habang 17 naman sa mga ito ay Pilipino.

Posibleng may koneksiyon ito sa tensiyon sa pagitan ng mga militanteng Palestino at Israel.

Pagdukot sa 17 Pinoy seafarer ng grupong Houthi mula Yemen, kinondena ng OFW Party-list at Kabayan Party-list

Samantala, kinokondena naman ng OFW Party-list at Kabayan Party-list ang pag-hijack sa isang cargo ship ng Houthi rebels noong Nobyembre 19 sa Red Sea at pag-hostage sa sakay nitong 17 na Filipino seafarers.

Hinihimok ni OFW Party-list Representative Marissa “Del Mar” Magsino ang DFA at DMW na masusing makipag-usap sa mga bansang nakapalibot sa lugar upang mailigtas ang mga Pilipinong marino.

Bukod sa pagbabantay ayon sa kongresista ang mapayapang resolusyon sa krisis na kinakaharap ng 17 na Filipino seafarers.

Nais ng tanggapan ng OFW Party-list na malaman ang mga pangyayari sa hostage-taking at kung mayroong kapabayaang nagdulot dito.

Ang pangyayaring aniya ay nagpapakita ng panganib na kinakaharap ng ating mga seafarers sa kanilang trabaho at ito ang isang nais na matulungang maresolba sa isinusulong na Magna Carta for Seafarers ng mambabatas.

Ipinunto rin ni Magsino na bilang kinatawan ng overseas Filipino workers sa Kongreso at isa sa pangunahing akda ng panukala, nais din niyang siguruhin sa ship owners ang karapatan ng ating mga seafarers sa ligtas na paglalakbay.

May panawagan din si Magsino sa mga makapangyarihang bansa na tumulong sa mapayapang pagresolba ng insidenteng ito upang mailigtas ang mga inosenteng Pilipinong marino na nadamay sa pangyayari.

Para naman kay Kabayan Party-list Representative Ron Salo, kinakailangan aniya na makipag-ugnayan tayo sa mga international bodies upang magsagawa ng diplomatic pressure at impluwensiya tungo sa isang mapayapang resolusyon.

Ang interbensiyon aniya ng ating pamahalaan ay napakahalaga, at hindi dapat mag-iwan ng anumang bagay na hindi dapat gawin upang protektahan ang ating mga mamamayan na binihag sa mapanganib na sitwasyong ito.

Higit pa rito, nagpapaabot din ng taos-pusong pakiusap ang Kabayan Party-list sa international community na manatiling mapagbantay at magkaisa sa panalangin para sa kaligtasan at kapakanan ng mga apektadong seafarer.

Ang bigat ng sitwasyong ito ay nangangailangan ng pagkakaisa upang matiyak ang mabilis at ligtas na pagbabalik ng mga naturang bihag.

“I vehemently condemn the reported reprehensible act of Houthi rebels of seizing the Israeli-linked cargo ship, Galaxy Leader, and holding seventeen Filipino seafarers, along with their international counterparts, hostage in the Red Sea. This deplorable incident, allegedly connected to the Israel-Hamas conflict, demands our immediate attention and unwavering commitment to ensuring the safety of our fellow countrymen.”

“I urgently call upon the Department of Foreign Affairs, the Department of Migrant Workers, and the Overseas Workers Welfare Administration to collaborate swiftly and effectively in coordinating efforts to secure the release of the Filipino seafarers and all crew members. It is imperative that we engage with international bodies to exert diplomatic pressure and influence towards a peaceful resolution. Our government’s intervention is crucial, and we must leave no stone unturned to protect our citizens caught in this perilous situation.”

“Furthermore, I extend a heartfelt plea to the international community to remain vigilant and join us in prayer for the safety and well-being of the affected seafarers. The gravity of this situation requires a unified front to ensure a swift and secure return of those held captive.”

“We stand united in condemning this act of aggression and must work collaboratively to bring about a resolution that prioritizes the safety and dignity of our Filipino seafarers and their fellow crew members,” Statement on Reports of 17 Filipino Seafarers Taken Hostage.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter