Pinoy students mula sa DOST-SEI, nakasungkit ng 6 medals mula sa 64th IMO

Pinoy students mula sa DOST-SEI, nakasungkit ng 6 medals mula sa 64th IMO

ANIM na Pinoy students mula sa Department of Science and Technology-Science Education Institute (DOST-SEI) ang nakasungkit ng ilang medalya mula sa 64th International Mathematical Olympiad (IMO) sa Japan nitong Hulyo 2-13.

Sa event, tatlo ang silvers at tatlo ang bronze medals kung kaya’t nasa ika-26 na puwesto ang Pilipinas mula sa 112 bansang kalahok sa IMO.

Simula noong 1988 IMO, nakakuha na ng kabuuang apat na gold medals; 19 na silver medals; 40 bronze medals; at 30 honorable mentions ang Pilipinas.

Samantala, pinangunahan ni Mathematical Society of the Philippines (MSP) team leader Hazel Joy Shi ang Team Pilipinas para sa 64th IMO.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter