BIBIDA ang world-class designs at obra ng 15 Pinoy brands, artisans, at artists sa isang major French trade fair sa Paris ngayong Enero 18-22, 2024.
Partikular na ibibida sa trade fair ang iba’t ibang uri ng furniture’s, lamps, at lightings ayon sa Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM) sa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI).
Layunin ng pagsali ang maipakita ang kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng makamodernong disenyo sa pamamagitan ng techniques na woodcarving, veneer and marquetry, at weaving.
Pangunahing mga materyales dito ang abaka, kawayan, raffia, rattan, capiz, pinya, at banana fibers.
Mayroon ding special gallery set-up para sa iba’t ibang Pinoy paintings at artworks ang inilaan ng CITEM sa nabanggit na trade fair.