DAPAT balansehin ng Pamahalaan ang operasyon sa ‘white area’ at ‘red area’ ng communist terrorist group (CTG) ayon sa dating kadre.
Pagpasok pa lang ng 2024 ay good news kaagad para sa mga Pilipino ang inihandog ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Dahil wala nang aktibong guerilla fronts ang CTG na New People’s Army (NPA) sa buong bansa.
Patunay na epektibo ang ginagawa ng pamahalaan kaugnay sa whole of the nation approach.
Bagama’t tagumpay na maituturing ang pagkamit ng zero active guerilla front sa buong bansa, inihayag ng dating kadre na si Jeffrey “Ka Eric” Celiz na maaari pa ring makapaghasik ng kaguluhan ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Base sa bilang mula sa security sector, nasa mahigit 1,000 na lang ang bilang ng mga NPA.
“The decisive victory to complete the isolation and dismantling of the NPA ay hindi pa natatapos, at dapat magmatyag tayo sapagkat for example in my experience ‘yung 5 hanggang 7 NPA puwedeng mag-damage ‘yan ng millions of properties,” ayon kay Jeffrey “Ka Eric” Celiz, Former Kadre.
Kaya sinabi ni Ka Eric na dapat balansehin ng pamahalaan ang mga ginagawang operasyon nito sa white at red area na ginagalawan ng komunistang teroristang grupo.
“Mabilis silang magre-recover kung hindi ito mababantayan ng government, at hindi ito maayos na matitimpla ang combination ng sustain focus military operation sa red area against sa NPA, para durugin ito na balance of law enforcement and legal offensive sa white area dapat sabay ‘yan. ‘Yun ngayon ang challenge ng NTF-ELCAC paano nila ‘yan itimpla,” dagdag ni Ka Eric.
Sa kabila nito sinabi ni Ka Eric na dahil sa tuluyang paghina ng armadong grupo at pagkonti ng bilang ng mga taga-suporta rito ay mag-iiba na ang battle ground.
Paliwanag ng dating kadre, kakaunti na lang ang bilang ng mga NPA na nagtatago sa kabundukan, tututukan ngayon ng komunistang grupo ang pangre-recruit na maaaring gamitin na pangdagdag na puwersa sa kanilang armadong grupo.
“I think, the battle ground will shift tactically papunta dito sapagkat ito ang bubuhusan ng focus ngayon ng CPP-NPA-NDF but it thus not follow na gini-give up na nila ang whatever remaining 10 or 12 provinces na nagagalawan pa ng NPA,” aniya.
Mga napagkasunduan sa Oslo cominique dapat muling pag-aralan ng pamahalaan—Ka Eric
Samantala, sa usaping pangkapayapaan, sinabi ni Ka Eric na dapat muling ikunsidera ng pamahalaan kung dapat pa bang ipagpatuloy ang pormal na pag-uusap dahil kagaya ng nangyari sa mga naunang peace talks, hindi nakitaan ng sinseridad ang mga makakaliwang grupo.
“I think, seryosong mga bagay ito na dapat ikunsidera ng government side, kung ipagpapatuloy pa ba ang pormal na pag-uusap after the joint Oslo comunique in the light of the directive and declaration of the Communist Party of the Philippines Central Committee na hindi sila magsu-surrender, at hindi nila bibitawan ang kanilang armadong unit na NPA at ipagpapatuloy nila ang pagsusumikap na palakasin pa ito upang labanan at pabagsakin ang ating gobyerno,” wika ni Ka Eric.
Ang naturang pahayag ni Ka-Eric ay kasunod ng anniversary message ng CPP-NPA-NDF na naghihikayat sa natitirang miyembro ng mga ito ng muling pag-alsa laban sa gobyerno.
Sa isang virtual forum nito lang kamakailan ay tahasang inihayag ni National Security Council (NSC) Assistant Director Gen.(ADG), Jonathan Malaya ang pagkadismaya ng pamahalaan sa hakbang na ito ng komunistang teroristang grupo.
“Ngunit we are extremely disappointed and perplexed by the anniversary statement of the Communist Party of the Philippines Central Committee that was released in its anniversary last December 26 calling all its kadre’s and committees to carried out third rectification movement to further advanced its revolutionary armed struggle,” ayon kay Jonathan Malaya, ADG, NSC.
Ayon kay ADG Malaya, walang ibang hangad ang pamahalaan kundi ang hikayatin ang armadong grupo na magbalik sa gobyerno kaya nila ginawa ang pormal na pag-uusap.
“To us NSC and NTF-ELCAC if we can prevent bloodshed ang prevent the loss of more Filipino lives kung makakasalba tayo ng kahit isang Pilipino, exploratory talks are worth considering,” dagdag ni Malaya.
Sa kabila ng lahat ng ito, magpapatuloy ang NTF-ELCAC sa pagpapatupad ng mga programa nito na nagsilbing patunay na epektibo ang ginagawa ng pamahalaan sa pagkamit ng kapayapaan.
