Pinsala ng El Niño sa agrikultura, pumalo na sa higit P810-M—NDRRMC

Pinsala ng El Niño sa agrikultura, pumalo na sa higit P810-M—NDRRMC

PUMALO na sa mahigit sa P800-M ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura bunsod ng nararanasang El Niño sa bansa.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pinakamalaking halaga ng naitalang pinsala ay mula sa Region 6 kung saan nasa higit 10,000 magsasaka at pangingisda ang naapektuhan ng matinding init ng panahon.

Sinundan naman ito ng MIMAROPA na may naitalang higit P300-M halaga ng pinsala.

Sunod dito ang CALABARZON at Region 9.

Nangunguna naman ang palay sa pinaka naapektuhan ng tagtuyot na sinundan ng mais.

Sa kabila nito, wala pang naitatala ang NDRRMC na nagdeklara ng state of calamity dahil sa El Niño.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble