UMABOT na sa 1.75 billion pesos ang pinsalang dulot ng El Niño sa sektor ng agrikultura ayon sa Department of Agriculture (DA).
Sa datos, ang mga rehiyon gaya ng Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga Peninsula at SOCCSKSARGEN ang malubhang nakararanas ng pinsala.
Tinatayang nasa 30-k na mga magsasaka rin ang apektado ng El Niño.
Sa kabila nito ay nasa 379.06 million pesos na ang naibigay sa mga magsasaka.
Ang Bureau of Soils and Water Management ay nagsasagawa na rin ng cloud seeding partikular na sa katimugang bahagi ng Cagayan at hilagang bahagi ng Isabela para tugunan ang kakulangan ng suplay ng tubig.
Mahigit 500 (570) water augmentation pumps na rin ang itinayo ng National Irrigation Administration sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, MIMAROPA at Western Visayas.