KASUNOD ng nararanasang matinding El Niño sa bansa, nadagdagan pa ngayon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura.
Sa datos ng Department of Agriculture (DA), pumalo na ito sa mahigit P1-M.
Katumbas ito ng higit 2,000 ektarya ng palayan na napinsala dahil sa nararanasang tagtuyot.
Nasa higit 2,600 magsasaka naman ang naapektuhan mula sa Western Visayas and Zamboanga Peninsula.
Tuloy-tuloy naman ang ginagawang hakbang ng DA upang maiwasan ang mas malaking epekto ng El Niño.