TINATAYANG umabot sa P3.72-B ang economic loss ng Iloilo matapos nangyari ang malawakang blackout o power outage noong Enero 2-5, 2024.
Ang halaga ayon kay Iloilo Provincial Planning and Development Office Chief Mario Nillos ay nakabase sa record ng Iloilo Electric Cooperatives (ILECO).
Sa pag-aaral, sa bawat 100 megawatts na nawala, katumbas ito ng nasa P111.2-M bawat oras na economic loss.
Ang ILECO-I ang may pinakamataas na economic loss na umabot ng P1.71-B.
Sinundan ito ng ILECO-II na may P1.12-B habang ang ILECO-III ay may P891-M na economic loss.