Plano, aksiyon kontra dengue, isinusulong sa Quezon City

Plano, aksiyon kontra dengue, isinusulong sa Quezon City

TAG-ulan na, kaya naman trending na muli ang sakit na dengue, kaya ang Department of Health (DOH) ay nagbigay muli ng babala sa maaring pagtaas ng kaso nito.

Ayon sa DOH umabot na sa 80,000 ang naitalang kaso ng dengue dito sa bansa.

Ang dengue ay itinuturing na isang talamak na impeksiyon na virus na nakaaapekto sa karamihan sa mga bata at sanggol.

Ito’y nakukuha sa pamamagitan ng kagat ng dengue-infected na aedes aegypti at aedes albopictus na lamok.

Kaya naman ang Quezon City LGU katuwang ang eco staff-street sweepers, non-government organizations, at Brgy. Pinagkaisahan Youth Organization (BPYO) isa sa mga naging aksiyon ang larvae trapping.

Ang larvae trapping ay ang paglalagay ng bitag para sa mga lamok na mangitlog sa isang lalagyan na mapipigilan ang larvae na maging ganap na lamok.

“Ang ginagawa po namin, nagco-conduct po kami ng search and destroy ‘yung 4S ang ginagawa po namin. Together with our eco staff, ‘yung mga street sweeper, headed by our Committee on Health, Health and Environment. Dalawang kagawad po na nagmamanman po niyan, with our street sweeper, mga non government organization, may BPYO, barangay youth organization, sa kung saan nagtutulong-tulong para malinis po, para magkaroon ng search and destroy. So, from there nagkakaroon po kami after po niyan, nagkakaroon din po kami ng larvae trapping 5-7 days. After po na ma-plant po nila iyan, hinaharvest nila yan. Then pagka may na-trace po na nagpositive doon sa larvae trapping, again po nagcle-clean up, kung may mga cases po talaga ng dengue, ‘yung mga nahospitalized na resident natin. Nagkakaroon po kami diyan ng fumigation. Ayon naman sa kalihim ng Brgy. E. Rodriguez, isa sa mga hakbang na kanilang ginagawa ay ang pagkakaroon ng seminar, clean up drive katuwang ang local government unit (LGU) at barangay staff para maiwasan na madagdagan pa ang kaso ng dengue,” ayon kay Hon. Graziella C. Saab, Brgy. Captain.

“Meron tayong ginagawang programa regarding diyan, sa tulong po ng ating local government, meron po kaming mga seminar na ginagawa para ma-aware po mga tao na kailangan linisin ‘yung kanilang mga kapaligiran, harapan nila. Tapos meron po kaming every week na clean-up drive na ginagawa po ng brgy. Kasama ang kanilang mga brgy. staff. Kami po ay naglilinis, lalo na po sa mga informal settlers ibig sabihin doon sa mga squatter area. ‘Yan po ‘yung nakikita po namin para ma-lessen ‘yung tinatawag po natin na pagtaas ng cases ng dengue,” ayon kay Nenette Desucatan, Brgy. E. Rodriguez Secretary.

Payo naman ni Medical Officer Obermay S. Carameo, para mapigilan ang pagkalat ng dengue ay mariin niyang ipinaliwanag ang ‘search and destroy’ na kampanya ng ahensiya ng kalusugan.

“Sa prevention po, dito po namin sinasabi sa kanila na sundin ‘yung campaign ng DOH, which is 5S. ‘Yung 5S ang No. 1 ‘dun–search and destroy. So ise-search natin ‘yung mga breeding places ng mosquitoes, kasama na ‘dun ‘yung ‘destroy’ siyempre pag makita mo, tatanggalin mo na, kagaya ng mga clear water, ‘yung mga naipon na tubig sa bote sa basurahan, sa gulong ‘yun po, ‘yun po ‘yung nilelecture po namin sa mga pasyente namin dito at sa iba’t ibang barangay,” ayon kay Obermay S. Carameo, Medical Officer, Brgy. E. Rodriguez.

‘Wag nang patagalin’, iyan ang payo ni Carameo sa komunidad lalo na sa mga magulang kung nakikitaan na ng sintomas ng dengue ang kanilang mga anak.

“Advice, first day pa lang magpakonsulta na. Be aware sa mga symptoms, fever, and rush. And then meron po tayong libreng rapid diagnostic test. Dito pa lang malalaman na nagpositive or negative and then puwede nang ma-manage dito pa lang sa health center. ‘Wag na pong patagalin ang lagnat at meron din po tayong oras, siya po ay ‘yung ating electrolights para hindi madehydrate ‘yung bata, ibibigay na kaagad,” dagdag ni Carameo.

Dagdag pa na payo niya sa ating mga school officials lalo na sa darating na pasukan na sa ‘school level’ pa lang ay mai-promote na ang aksiyon kontra dengue.

“Message po natin sa mga school officials, mayroon po tayong dengue brigade, na sa school pa lang na magkaroon ng grupo ng mga kabataan na magpopromote na prevention ng dengue at sila din ang aaksiyon na matanggal ‘yung mga breeding places. Provided na kami po ang mag-guguide sa kanila. So, school level pa lang aware na ‘yung mga bata,” ani Carameo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble