Planong Christmas convoy ng isang civilian group sa WPS, pinahintulutan ng pamahalaan

Planong Christmas convoy ng isang civilian group sa WPS, pinahintulutan ng pamahalaan

KUMAMBIYO ang National Security Council (NSC) sa pagbibigay ng pahintulot sa isang civilian group na “Atin ito Coalition” para magtungo sa West Philippine Sea (WPS) para magsagawa ng isang humanitarian activity.

Nakatakdang mamigay ng mga regalo ang nasabing grupo sa ilang mga isla na sakop ng WPS.

Pero sa kabila rito, mariin na pinagbabawalan pa rin ang grupo na huminto sa Ayungin Shoal kung saan nakadestino ang mga sundalong Pilipino na isa sana sa mga benepisyaryo ng grupo.

Giit ng NSC, delikado ang lugar kung kaya’t dadaan lamang ang Christmas convoy sa general vicinity nito at hindi kinakailangang huminto o magbaba ng anumang regalo.

Maliban na lang anila sa mga ibang lugar o isla na pag-aari ng Pilipinas ay saka lamang maaaring mamigay o magbaba ng mga pagkain o regalo para sa mga sundalo at mangingisdang Pilipino na nakatira rito.

“Both parties agreed that a convoy to the BRP Sierra Madre in Ayungin Shoal would not be advisable at this time since the safety of the civilian convoy is of paramount consideration. Nonetheless, the planned Christmas convoy will pass through the general vicinity of Ayungin Shoal as far as practicable, on its way to other selected PH-occupied features to bring Christmas cheer directly to our troops assigned in those areas as well as to our fisher folks,” ayon sa National Security Council.

Muling pinayuhan ng ahensiya ang nasabing grupo sa kagustuhan nitong magbigay ng regalo sa BRP Sierra Madre na idaan na lang sa kanilang tanggapan kasabay ng pagtitiyak na makararating ito sa mga sundalong Pilipino sa nakatakdang susunod na rotation and resupply mission ng pamahalaan sa susunod na mga araw.

“There Christmas gifts and donated supplies for BRP Sierra Madre will be turned over to the Philippine Navy-AFP and to the Philippine Coast Guard (PCG) for delivery during the regular rotation and resupply (RoRe) missions,” dagdag ng National Security Council.

Matatandaan, ilan sa mga pangamba noon ng pamahalaan para sa mga sibilyan na magtutungo sa contested areas sa WPS ay posibleng magdulot ng tensiyon sa ibang mga bansa na may claim sa lugar.

Sa ngayon, patuloy ang ugnayan ng pamahalaan sa nasabing grupo para sa nakatakdang pag alis ng convoy patungo sa mga islang magiging benepisyaryo ng kawanggawa.

Follow SMNI NEWS on Twitter