POSIBLENG matuloy sa susunod na buwan ang planong pagbubukas ng mga paaralan sa Myanmar.
Inanunsyo ng Myanmar Central Committee on Prevention, Control and Treatment for COVID19 na plano ng pamahalaan ng Myanmar na magbukas ngayong Nobyembre 1 ng mga paaralan sa bansa.
Ayon sa komite ng bansa posible ngayong Nobyembre 1 ang pagbubukas ng lahat ng basic education schools kasama na ang private schools at Buddhist monastic schools.
Maliban diyan target din na buksan ngayong Nobyembre ng pamahalaan ang apatnaput anim na townships sa siyam na rehiyon.
Nagpahayag naman ang Ministry of Health ng bansa na nakapamahagi na ito ng COVID-19 vaccines sa mga batang nasa labindalawang taong gulang mula sa elementarya at high school.
Samantala, maaalala na nitong Hulyo nagsara ang lahat ng paaralan sa Myanmar bilang bahagi ng restriksyon para mapigilan ang COVID-19 sa buong bansa.