INAASAHAN na magbubukas ngayong Nobyembre 30 ang sektor ng turismo ng Cambodia.

Inanunsyo ng Kingdom of Cambodia ngayong linggo ang bahagyang pagbubukas ng turismo sa bansa para sa mga fully vaccinated na mga turista.
Mula Nobyembre 30, ang mga fully vaccinated na turista mula sa US, Canada, at UK ay maaari nang pumunta ng Cambodia, kahit walang quarantine, subalit kinakailangan nitong manatili ng limang araw sa inihandang lugar para sa mga ito.
Sa planong unang yugto ng pagbubukas kasama rito ang katimugang probinsya ng Sihanoukville at Koh Rong.
Maaalalang ang mga nasabing lugar sa bansa ay isa sa mga sikat at kilalang tourist destination noong hindi pa nananalasa ang pandemya.
Samantala, nagpahayag naman ang Health Ministry ng Cambodia sa mga turistang planong bumisita sa bansa na kinakailangang magdala ito ng full vaccination certificate at pre-departure negative COVID test result certificate.
