BUHAY pa ang pag-asa ng PLDT High Speed Hitters para sa semifinals spot ng PVL Reinforced Conference matapos ang mainit na laban nito sa Cignal HD na natapos sa loob ng mainit na 4 sets sa Araneta Coliseum.
Pinangunahan ng Russian import ng PLDT na si Elena Samoilenko ang ikalawang sunod na panalo ng High Speed Hitters na nagtapos sa iskor na 24-21,25-23,22-5, at 25-21.
Nagpa-ulan si Samoilenko ng 27 points mula sa 23 kill spikes at 4 blocks kasama ang clutch back row hit nito na naglagay sa PLDT sa match point.
Nag-ambag naman si Dell Palomata ng 15 points habang umiskor si Mika Reyes ng 11 points.
Ayon kay PLDT head coach George Pascua, goal talaga nilang manalo sa laban at sinabi niya sa kanyang team na hangga’t hindi pa tapos ang laro ay huwag na huwag na titigil.
Sa ngayon ay mayroong standing ang PLDT High Speed Hitters na 3-4 record.