ITINUTURING ng Commission on Elections (COMELEC) na matagumpay ang idinaos na plebisito sa Bacoor Cavite, araw ng Sabado, Huly 29, kung saan tuluyang naratipikahan ang pagsasanib at pagpapalit ng mga pangalan ng ilang barangay sa lungsod.
Ang plebisito ay ibinatay sa Bacoor City Ordinance No. 275-2023 na naipasa noong buwan ng Marso.
Nakakuha ng 29,285 na yes votes o 90.44 percent ang pumabor sa pag-merge ng 44 na barangay para ito ay maging 18 barangay na lamang at ang pagpapalit ng pangalan ng limang barangay bilang resulta ng pagsasanib o pagsama-sama ng mga barangay.
Samantala, 2,994 o 9.25 percent naman ang hindi pumabor sa pag-merge ng mga barangay.
Ang pag-merge ng mga naturang barangay ay para matiyak ang paglago at pagbabago sa mga barangay maging ang pagkakaroon ng reduction cost para sa local governance.