PM Srettha Thavisin, bumisita sa dating punong ministro upang humingi ng basbas sa pagdiriwang ng Songkran

PM Srettha Thavisin, bumisita sa dating punong ministro upang humingi ng basbas sa pagdiriwang ng Songkran

BUMISITA si Prime Minister Srettha Thavisin kay Thaksin Shinawatra sa tahanan nito sa Bangkok kung saan humingi nga ito ng basbas para sa pagdiriwang ng Songkran.

Nag-post rin ang punong ministro ng kanyang larawan kasama si Thaksin na kung saan isinagawa nito ang isa sa mga tradisyon tuwing Songkran.

Sa kanyang post sa X, sinabi ni Srettha na bumisita siya sa dating punong ministro para humingi ng aniya’y New Year blessings mula sa dating punong ministro.

Matatandaan na isa si Thaksin sa naging haligi ng Pheu Thai party at bumalik sa Thailand matapos ang labinlimang taong pagpapatapon sa kanyang sarili sa ibang bansa.

Nang dumating sa bansa ay hinuli si Thaksin pero idineretso ito sa police hospital sa Bangkok dahil sa problema sa kanyang kalusugan.

Sinasabi ng mga kritiko na si Srettha ay nasa ilalim ng kontrol ng dalawang shadow prime minister, si Thaksin at ang Pheu Thai leader na si Paetongtarn Shinawatra pero paulit-ulit na itinatanggi ng punong ministro ang alegasyong ito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter