4 Pilipinong crew na kasama sa nahuling barko ng Iran, mapapalaya na

4 Pilipinong crew na kasama sa nahuling barko ng Iran, mapapalaya na

MAPAPALAYA ang apat na Pilipinong crew na kasama sa nahuling barko ng Iran kamakailan sa Strait of Hormuz.

Ayon ito sa Department of Foreign Affairs nitong Martes, Abril 16, 2024.

Maliban sa mga Pinoy ay makakalaya rin ang iba pang crew batay sa pahayag ni DFA Usec. Eduardo de Vega.

Nakatakda namang makipagkita si De Vega sa Iranian ambassador para talakayin ang pagpapalaya.

Bagamat nahuli ang barko na MSC Aries, sinabi ng DFA na pinapakain ng mga Iranian ang mga crew.

Ang pagkahuli ng barko ay bilang sagot ng Iran sa pag-atake anila ng Israel sa kanilang konsulado sa Syria.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble