PNP at AFP, magtutulungan kontra private armed groups

PNP at AFP, magtutulungan kontra private armed groups

MAGTUTULUNGAN ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagbuwag sa private armed groups sa bansa.

Ito ang iginiit ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Redrico Maranan kasunod ng serye ng pag-atake sa mga halal na opisyal.

Ayon kay Maranan, paiigtingin ang nasabing kampanya sa mga lugar na matutukoy na hotspots dahil sa political rivalry.

Matatandaang inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang PNP na tukuyin ang mga lugar na nasa hotspots tulad ng ginagawa tuwing may eleksiyon upang matiyak ang seguridad ng publiko.

Magiging gabay rin ito ng PNP sa paglalatag ng security measures upang maiwasan ang karahasan matapos na ilang halal na opisyal ang nabiktima ng karahasan simula noong Pebrero.

Follow SMNI NEWS in Twitter