PNP athletes, nag-uwi ng 19 medalya sa 2022 PH Masters Int’l Athletics Championships

PNP athletes, nag-uwi ng 19 medalya sa 2022 PH Masters Int’l Athletics Championships

BINATI ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang 13 miyembro ng Philippine National Police Athletics Team na nag-uwi ng 19 medalya sa 2022 Philippine Masters International Athletics Championships sa PhilSports Complex, Pasig City noong Nobyembre 11-12.

Ayon kay PNP Public Information Office chief Police Colonel Redrico Maranan, ang PNP athletes na pinangunahan ni Police Colonel Marlou Roy Alzate ay nakasungkit ng 8 gold, 2 silver, at 9 bronze medals.

Si Police Master Sergeant Michael Pelaez ay may pinakamaraming medalyang naiuwi kabilang ang tig-1 gold medal sa 100, 200 at 400 meters sprint 45-50 years old category at 1 gold medal sa 4×100 meter relay 35-39 years old category.

Ang international sporting event ay nilahukan ng mga atleta mula sa United States of America, Japan, Indonesia, Singapore, Sri Lanka, India, Malaysia, at Italy.

Ang World Athletics Championships ay isang Biennial Athletics Competition na inorganisa ng World Athletics na dating IAAF o International Association of Athletics Federations.

Follow SMNI News on Twitter