MAHIGPIT ang pagbabantay ng Philippine National Police (PNP) laban sa private armed groups (PAGs) sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.
Ayon kay PNP Public Information Office chief Police Brigadier Gen. Redrico Maranan, lumalabas na sa 48 PAGs sa kanilang monitoring ay 3 ang aktibo at 45 ang potential PAGs.
Kabilang sa mga lugar na tinututukan nila ay ang Regions 3, 5, 6, CARAGA, Cordillera Region, at Bangsamoro Region kung saan matatagpuan ang PAGs.
Iginiit ni Maranan na pinagtutuunan na ang PNP ang ‘intelligence driven operations’.
Partikular na gagawin nila ay ang paghahain ng search warrant laban sa mga armas ng PAGs at warrant of arrest sa mga kilabot na miyembro ng PAGs.