PNP Chief Benjamin Acorda, ipagpapatuloy ang mga nasimulang programa sa pulisya

PNP Chief Benjamin Acorda, ipagpapatuloy ang mga nasimulang programa sa pulisya

IPAGPAPATULOY ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang mga programa para malinis sa kanilang hanay na sinimulan ni dating PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr.

Ito ang tiniyak ni Acorda matapos manumpa bilang ika-29 na hepe ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Acorda, walang pulis ang dapat na masangkot sa iligal na droga.

Dapat din aniya na magkaroon ng “due process” ang pagpapataw ng parusa sa mga pulis na nagkasala.

Kasabay nito, tiniyak ni Acorda na magiging masigasig sila sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko.

Gayundin ang pagtiyak sa kapayapaan at kaayusan ng bansa at paglaban ng pulisya sa kriminalidad.

Follow SMNI NEWS in Twitter