PNP, may 186 na mga bagong pulis

PNP, may 186 na mga bagong pulis

PINANGUNAHAN ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang traditional induction rites ng mga bagong pulis sa Camp Crame, Quezon City.

Sa Badge of Honor Ceremony, pormal na tinanggap ni Azurin ang 186 graduates ng Philippine National Police Academy (PNPA) “Masidtalak” Class of 2023.

Ayon kay Azurin, hindi lamang isang simpleng oath taking ceremony at conferment of authority ang pagsusuot ng chapa ng pulis.

Pagtanggap aniya ito ng kanilang responsibilidad bilang mga alagad ng batas at pagseserbisyo sa publiko.

Maliban dito, mandato rin ng mga pulis na panatilihin ang kaayusan at katahimikan sa ilalim ng batas.

Nabatid na ang 186 pulis ay may ranggong police lieutenant na opisyal nang bahagi ng PNP roster.

 

Follow SMNI NEWS in Instagram