Army reservist na mga artista, naging kabahagi ng AFP sa unang ‘Konsyerto sa Palasyo’

Army reservist na mga artista, naging kabahagi ng AFP sa unang ‘Konsyerto sa Palasyo’

VERY proud ang multi-hyphenated actress na si Arci Moñuz na naging kabahagi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa unang “Konsyerto sa Palasyo” (KSP).

Sa kaniyang post, sinabi ng aktres na layon ng konsyerto na ipagmalaki at itaguyod ang tapang at husay ng AFP at maging ang iba pang talento ng mga Pilipino.

Si Arci Muñoz ay kasalukuyang nagseserbisyo sa Philippine Air Force bilang isang sergeant.

Kabilang din sa nag-perform sa KSP ay ang mga Army reservist na sina Ronnie Liang at Geneva Cruz.

Matagumpay namang naidaos ang unang konsyerto sa Palasyo na ginanap sa Malacañan Palace grounds noong gabi ng Sabado, Abril 22.

Personal naman itong dinaluhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. kasama sina vice President Sara Duterte, First Lady Liza Araneta-Marcos at former President Gloria Macapagal-Arroyo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter