PNP chief Rodolfo Azurin, may paalala sa mga estudyante upang makaiwas sa krimen

PNP chief Rodolfo Azurin, may paalala sa mga estudyante upang makaiwas sa krimen

MAY paalala sa mga estudyante si PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. upang makaiwas sa krimen.

Dapat na iwasan ng mga estudyante na makipag-usap sa mga hindi kakilala.

Ito ang paalala ni Azurin kasabay ng pagsisimula ng face-to-face classes ngayong araw.

Sinabi ni Azurin na sa ganitong paraan ay makakaiwas ang mga estudyante na mabiktima ng mga masasamang loob.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang PNP sa pamunuan ng mga paaralan upang pahintulutan sila na makapagbigay ng “lecture” sa kampanya kontra kriminalidad.

Tiniyak naman ni Azurin na paiigtingin nila ang police visibility upang matiyak na magiging ligtas ang mga estudyante laban sa anumang uri ng krimen.

Follow SMNI NEWS in Twitter