PNP, inilunsad ang e-Booking

PNP, inilunsad ang e-Booking

INILUNSAD ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang Digital Booking System (DBS) o e-Booking.

Pinangunahan ito ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. kasama si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa Camp Crame, Quezon City.

Ang e-Booking ay isang programa ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM), upang mapabilis ang booking process ng mga naarestong suspek.

Gayundin ang cross-matching ng fingerprints sa pamamagitan ng Automated Fingerprints Identification System (AFIS) na dati ay ginagawa sa pamamagitan ng manual.

Inaasahan ng PNP na sa pamamagitan ng e-Booking ay tataas ang kanilang crime solution efficiency.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter