Balasahan sa ilang opisyal ng PNP, ipatutupad

Balasahan sa ilang opisyal ng PNP, ipatutupad

INANUNSYO ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. na magpapatupad siya ng balasahan sa ilang opisyal ng pulisya.

Ito ay matapos mapatay si Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa nitong Sabado.

Ayon kay Azurin, iniimbestigahan nila kung nagkaroon ng kapabayaan ang mga lokal na opisyal ng pulisya dahilan para maganap ang karumal-dumal na krimen.

Kasama rin sa sinisilip ng PNP ang administrative aspect dahil sa posibleng negligence sa panig ng mga pulis.

Nauna nang ipinag-utos ni Azurin ang pagsasagawa ng threat assessment sa mga pulitiko sa bansa upang matiyak ang kanilang seguridad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter