PUMANGATLO ang Pilipinas bilang “safest country” sa Southeast Asia kasunod ng bansang Indonesia at Vietnam.
Ayon sa Global Law and Order report ng Gallup Analytics, nakakuha ang Pilipinas ng 86 law and order index scores for 2022 sa buong Southeast Asia, habang 90 scores naman ang Indonesia at 92 index scores naman para sa Vietnam.
Lumabas ang nasabing datos matapos na kapanayamin ang nasa mahigit 1,000 respondents sa bawat bansa.
Ayon sa PNP, malaking bagay ang datos na ito para makakumbinsi ng mas maraming turista at mamumuhunan sa bansa.
Ibig sabihin aniya, malaking tulong ito sa pagpapalakas ng ekonomiya ng Pilipinas.
“Kapag sinabing safe ang lugar, malamang it adds up to the considerations ng ating mga investors and sa part ng turista na pupunta sa isang lugar. We know very well that these ‘yung investors and ‘yung mga turista plays a big role in the boost of the economy,” saad ni Gen. Benjamin Acorda Jr. Chief, PNP.
Ipinagpapasalamat ng PNP sa publiko ang magandang balita na ito dahil na rin sa maayos na kooperasyon ng mga Pilipino sa usapin ng implementasyon ng peace and order sa bansa.
Kasama rin aniya ang media sa nakatulong sa kanilang kampanya kontra kriminalidad.
“The community engaged, nagrereport, nagrereklamo kung may mga nakikitang katiwalian and of course the media, your role also kasi wide ‘yung reach niyo,” dagdag ni Acorda.
“With this free flow of information and communication there’s two way. Nagkakaroon ng interaction and engagement and with that lahat ng nakikita nating mali sa community even crime it leads to a peaceful community that’s how I look at it,” aniya pa.
Batay sa pinakahuling crime status ng bansa, bumaba ng 8.44% ang focus crimes mula sa buwan ng Enero hanggang Disyembre taong 2022 kumpara noong taong 2023 sa kaparehong panahon.
Habang 37.32% naman ang ibinaba ng focus crimes sa buwan ng Enero 1, 2023 kumpara ngayong taon sa kaparehong panahon.
Sa huli, dahil sa patuloy na pagtaas ng lebel ng mga krimen na nagaganap sa mga komunidad gamit ang makabagong mga teknolohiya, nangako ang PNP na hindi sila titigil na pagbutihin ang kanilang serbisyo sa tulong ng mas modernong kagamitan para mapigilan ang paglaganap ng mga masasamang loob sa bansa.
“I agree with that fear, actually realistic ‘yun kasi based on our statistics, talagang tumataas. So for our part we are addressing it via pag update din ng ating kagamitan and ‘yung mga applications na ginagamit natin but also kasama na rin ‘yung ating kapulisan,” ani Acorda.