NAKATAKDANG mag-ikot si Philippine National Police (PNP) chief Police General Benjamin Acorda, Jr. sa mga tindahan ng paputok.
Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo, upang matiyak na nasusunod ang safety measures na inilatag ng gobyerno.
Ayon kay Fajardo, nais nilang maiwasan na maisakripisyo ang kaligtasan ng publiko lalo’t nagbigay na sila ng permit sa mga manufacturer at retailer ng paputok.
Sasailalim sila sa random inspection ng Regional Civil Security Units na nakakalat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon sa PNP, kadalasa’y sanhi ng mga insidente ng sunog at aksidente ay ang mga pagpapabaya ng tindahan ng paputok.
Sa kabilang banda, muling tiniyak ng PNP sa mga tauhan nito ang regular na pagpapaalala.
Para sumunod ang mga ito sa utos mula sa national headquarters ukol sa hindi paggamit ng baril ng mga pulis sa pagsalubong ng bagong taon.
Dagdag pa nito, sinumang pulis ang mahuhuling lalabag dito ay tiyak na masisibak sa serbisyo.
PNP, wala pang naitatalang kaso ng indiscriminate firing ngayong holiday season—PNP PIO
Batay sa pinakahuling monitoring ng PNP, wala pa silang naitatalang nagpasaway na mga pulis sa usapin ng pagpapaputok ng baril sa gitna ng paghahanda sa Kapaskuhan at sa nalalapit na pagsalubong ng bagong taon.