PNP, magiging bukas sa anumang kritisismo—bagong PNP Chief

PNP, magiging bukas sa anumang kritisismo—bagong PNP Chief

MAGIGING bukas ang Philippine National Police (PNP) sa anumang kritisismo sa kanilang trabaho.

Ito ang tiniyak ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. sa change of command ceremony sa Camp Crame.

Ayon kay Acorda, sa ilalim ng kaniyang pamumuno magsisilbing independent source ng check at balance ang mga kritiko.

Kailangan din aniya ng PNP ang suporta ng media upang maihatid sa publiko ang mahahalagang impormasyon na may kaugnayan sa kapayapaan at kaayusan.

Binigyang-diin ni Acorda, hindi niya magagawa na mag-isa ang kaniyang trabaho kaya kailangan nito ng kooperasyon ng taumbayan.

Nabatid na pagtutuunan ng pansin ni Acorda ang paglaban sa iligal na droga at internal cleansing sa kanilang hanay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter