MAGPAPAKALAT ang Philippine National Police (PNP) ng mga non-uniformed personnel (NUP) sa matataong lugar ngayong papalapit na holiday season.
Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, nakasuot ng damit pang sibilyan ang mga NUP na hahalo sa publiko upang mabantayan ang mga kahina-hinalang kilos.
Ang mga NUP aniya ang magbibigay ng ulat sa mga unipormadong pulis upang agad itong maaksyunan.
Maliban dito, paiigtingin din ng PNP ang kanilang p+olice assistance desk para tugunan ang pangangailangan ng publiko.
Muli namang pinag-iingat ng pulisya ang publiko sa mga modus na posibleng maglipana ngayong papalapit na holiday season.