Pilipinas, ‘di mananalo kung palamya-lamya laban sa insurhensya –Pastor Apollo C. Quiboloy

Pilipinas, ‘di mananalo kung palamya-lamya laban sa insurhensya –Pastor Apollo C. Quiboloy

NANANAWAGAN ngayon ang SMNI Honorary Chairman Pastor Apollo C. Quiboloy kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kung maaari ay paki-pansin ang appointee nitong National Security Agency (NSA) Secretary na si Clarita Carlos.

Kasunod ito sa isiniwalat ni dating CPP-NPA Kadre Winefredo Doblizo Jr. sa programang Laban Kasama ang Bayan kung saan tinalakay ang tila matamlay at walang direksyon na pagpapatakbo ng NSA sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Sa kanyang programang Powerline, inilahad din ni Pastor Apollo ang kanyang sentimyento sa Pangulo upang bigyang-tuon ng pamahalaan ang task force.

Samantala, mayroon ding hiling ang tagapagsalita ng Regional Task Force ELCAC ng Region 6 na si Prosecutor Chris Gonzales kay Pangulong Marcos na maglagay ng mas nararapat na mamumuno sa NTF-ELCAC para aniya makausad na ang laban nito kontra insurhensiya sa 2023.

Follow SMNI NEWS in Twitter