NILINAW ng Philippine National Police-Highway Patrol Group na bawal sa EDSA Busway ang mga PNP marked vehicle na para sa administrative duties gaya ng pagdalo sa isang meeting sa ibang ahensiya.
Tugon ito ng PNP-HPG nang igiit ni PNP chief Rommel Marbil na maaaring dumaan sa Busway ang PNP marked vehicle kapag may emergency.
Ang maaaring makadaan dito ay tanging ang itinuturing na “on duty” o ang mga sasakyan ng pulis na rumeresponde sa law enforcement, nagsasagawa ng security operations, hot pursuit operations, at tumutugon sa sakuna at iba pang emergency.