MATAGAL nang nagagamit sa politika ang hanay ng Pambansang Pulisya ayon sa beteranong broadkaster na si Jay Sonza.
Kung ihahambing nga lang, nadadaan pa noon sa bayad para makuha ang isang posisyon sa Philippine National Police (PNP).
Ngunit ngayon ay garapalan na ang pagsunod sa isang politiko kahit pa ilegal para lang manatili o ma-promote sa puwesto.
Inihalimbawa pa ni Sonza rito si PBGen Jean Fajardo, ang kasalukuyang director ng Police Regional Office 3.