TATANGGAP na ang ilang Mercury Drug Stores ng guarantee letters mula sa mga benepisyaryo ng dalawang social welfare programs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa anunsiyo, magsisimula ito sa Hunyo 2, 2025 at nasa 92 sangay ng nasabing botika ang kikilala ng guarantee letters.
Partikular na tatanggapin ang guarantee letters mula sa mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).
Ang AICS ay programa na nagbibigay ng agarang tulong sa mga indibidwal o pamilyang dumaranas ng krisis o matinding pangangailangan.
Ang AKAP naman ay programang naglalayong tulungan ang mga manggagawang mababa ang kita.
