PNP, may nasilip na mali sa ginawa ni Ka Leody sa pakikipag-ugnayan nito sa mga Manobo sa Bukidnon

PNP, may nasilip na mali sa ginawa ni Ka Leody sa pakikipag-ugnayan nito sa mga Manobo sa Bukidnon

TINIYAK ngayon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na masusi nilang iimbestigahan ang naganap na pamamaril sa grupo ni presidential candidate Ka Leody De Guzman sa Bukidnon.

Ang nasabing pamamaril ay ikinasugat ng apat katao sa bayan ng Quezon sa nasabig probinsiya.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI News sa tagapagsalita ng pambansang pulisya na si Col. Jean Fajardo, inamin nito na walang maayos na koordinasyon ang pakikipag ugnayan ng kampo ni Ka Leody de Guzman sa mga katutubong Manobo sa bayan ng Quezon sa lalawigan ng Bukidnon na nagresulta ng pamamaril na ikinasugat ng apat katao .

“Yes Sir, nililinaw lang po natin na doon sa yung pamamaril kay Ka Leody, iyan po ay under investigation pero lumalabas sa inisyal na investigation po ng ating pulis doon po sa Bukidnon, nag-ugat po ito sa matagal nang awayan sa lupa. Mayroon pong legal dispute sa pagitan po ng Pineapple Plantation doon po sa lugar na iyon at nandoon din ang ating mga kapatid na katutubo at noong araw nga po na iyon ay accordingly ay pwersahan pumasok po yung ilang miyembro ng katutubo na siyang nag-ugat ng kaguluhan at accordingly, sabi po ng security personnel ay ipinagtanggol lamang po nila yung kanilang mga sarili dahil may mga hawak po na mga bolo at itak ang ilang mga katutubo at noong sila ay pinapaalis po sa kanilang private property ay sila ay nagresist po sila,” pahayag ni Fajardo.

Dagdag pa ng PNP, wala ring maayos na koordinasyon ang kampo ni Ka Leody, ibig sabihin ay delikado ang kanilang naging transaksiyon sa mga katutubo lalo pa’t isang high risk area ang nasabing lugar.

Ipinauubaya na ng PNP sa COMELEC at sa korte kung ano ang mgiging desisyon nito sa tinuran ni Ka Leody.

“Nalaman nalang po nati iyong presence ni Ka Leody doon na kung saan, siya mismo o ang grupo niya mismo nagpost sa social media na siya ay nadoon sa lugar at nalaman nalang ng pulis na siya nga ay nandoon sa lugar. Walang coordination whatsoever po sa kapulisan o maging sa AFP counterparts natin na sana ay inaasahan natin na nagkaroon sana ng coordination para naiwasan sana yung ganitong kaguluhan,” ani Fajardo.

Batay sa impormasyon ng PNP, nagtungo ang grupo ni Ka Leody sa nasabing lugar upang anila’y alalayan ang mga IP community sa kanilang mga hinaing sa pamahalaan na magiging basehan sa mga adbokasiya sa kandidatura nito ngayong eleksiyon.

Pero giit ng pulisya, maaaring idaan sa tamang proseso ng batas ang usapin at hindi sa pamamagitan ng dahas.

“Base na rin sa kanyang mga binibitawang mga salita, siya ay nandoon upang ‘ika nga ay alalayan yung mga laban ng ating mga katutubo tribu doon, yung mga kapatid nating mga katutubo, subalit sabi nga natin while we respect yung stand ni Ka Leody dito sa usapin na ito, pero nasa korte na po yung usapin na ito, wala po sa poder ng PNP at again with due respect to him, wala sa poder niya ang magsasabi na yung ipinaglalaban ng ating mga kapatid na katutubo ay nasa kanila iyon, sa pamamagitan ng pagki-claim nila ng ancestral domain. Sana eh, respetuhin natin yung legal processes at yun ngang gumamit ng dahas para ipaglaban ang ating mga karapatan,” ayon kay Fajardo.

Ngayon na nasa korte na ang usapin, umaasa ang pulisya na hindi lang nasabing insidente maging huwaran ito sa mga tumatakbong kandidato na sanayin ang pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad sa mga lakad, plano at transakisyon ng mga politiko upang maiwasan ang anumang disgrasya o insidente na maaring maging dahilan ng problema sa proseso ng halalan ngayong taon.

“Yun sana yung inaasahan natin yung coordination nga hindi lamang po sa kaniya kundi pati na rin sa iba pa nating kandidato lalong-lalo na sila ay bibisita sa mga tinatawag nating mga high risk zones na makapaglatag po tayo ng karampatang security coverage. Doon sa tanong mo kung ito ba ay magkakaroon ng epekto sa kanyang pangangampanya at kandidatura, again itong ating imbestiagasyon ay nagpapatuloy, at if I would make and emphasize also na hindi lamang limitado iyong ating imbestigasyon dito sa naging aksiyon po ng grupo ni Ka Leody pati sa ating mga katutubo diyan sa lugar na iyan pati na rin doon sa security personnel doon sa plantation dahil alam natin may umiiral na gun ban ngayon at ating aalamin kung it bang security agency ay authorized ba na magbitbit ng baril,” ayon pa kay Fajardo.

Una nang pinabulaanan ng Quezon Municipal Police Station na si Ka Leody ang siyang target ng pamamaril sa isang plantasyon na umano’y pag-aari ng isang alkalde na tinangkang pasukin ng mga katutubong Manobo na sinamahan ng grupo ng presidential aspirant.

Ayon kay PNP chief Police General Dionardo Carlos, kasalukuyang nagsasagawa na sila ngayon ng malalimang imbestigasyon ukol sa pangyayari, kabilang na rito ang pagtukoy sa mga sirkumstansiya ng insidente.

Magugunitang inihayag mismo ni Ka Leody na may nagpaputok habang nakikipagpulong siya sa ilang indigenous group sa Barangay Butong sa bayan ng Quezon ng nasabing lalawigan para alamin ang kanilang mga suliranin partikular sa usapin ng “land grabbing”.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng PNP ang mga kandidato sa halalan na i-coordinate nang maayos ang kanilang mga aktibidad sa pulisya para mabigyan ng maayos na seguridad.

Ayon naman kay PNP Public Information Office Chief BGen. Roderick Augustus Alba, hindi naman ipinagbabawal ang area security lalo na sa identified high-risk zone.

“We would like to remind our candidates and the public at large na importante ang koordinasyon so the PNP can provide security assistance para maiwasan na mangyari ang kahit anong kaguluhan. Hindi naman pinagbabawal ang area security lalo na sa identified high-risk zone. What the Election code prohibits is the employment of body guards without the Certificate of Authority,” ayon kay Alba.

Nauna nang sinabi ng PNP,  na patuloy ang kanilang paghahanda na umalalay sa mga lugar na ngangaailangan ng mahigpit na seguridad upang mapanatili pa rin ang kaayusan sa nagpapatuloy na local at national campaign ng mga kandidato para sa 2022 May elections.

Follow SMNI News on Twitter