PNP, nagbabala sa mga maimpluwensiyang tao na nais manghimasok sa imbestigasyon sa pagkasawi ni Salilig

PNP, nagbabala sa mga maimpluwensiyang tao na nais manghimasok sa imbestigasyon sa pagkasawi ni Salilig

BINALAAN ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang sinumang mangingialam sa ginagawa nilang imbestigasyon sa pagpapanagot sa mga salarin sa pagkasawi ng Adamson University engineering student na si John Matthew Salilig.

Matatandaang sangkot rito ang Tau Gamma Phi Fraternity Group.

Ayon kay PNP Chief Rodolfo Azurin, Jr. hindi nila hahayaan ang sinumang indibidwal na nais manghimasok sa isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing hazing incident.

Ipinangako rin ng Pambansang Pulisya na makukuha nito ang hustisya, hindi lang para mapanagot ang mga ito kundi makulong sa lalong madaling panahon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter