PNP, naghahanda na para sa deportasyon ni ex-Rep. Arnie Teves mula sa Timor-Leste

PNP, naghahanda na para sa deportasyon ni ex-Rep. Arnie Teves mula sa Timor-Leste

NAGHAHANDA na ang Philippine National Police (PNP) para sa posibleng deportasyon ni dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves mula sa Timor-Leste.

Kasama sa preparasyon ng PNP ang posibleng detention ni Teves sa kanilang custodial center sa Camp Crame.

Ang kanilang paghahanda ay isang contingency measure sakaling mangangailangan ng tulong ang National Bureau of Investigation mula sa kanilang hanay sa pagbabalik ng dating kongresista sa bansa.

Ipinaliwanag ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng security preparation lalo na’t ang kaso na kinakaharap ni Teves ay itinuturing na high profile.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble